Page 1 of 1

" KUNG MAHAL KA TALAGA NG LALAKI "

Posted: Sat Mar 01, 2025 4:14 am
by Tamibaby
“Kung Mahal Ka Talaga ng Lalaki”

Kung mahal ka talaga ng lalaki, hindi mo kailangang magtanong kung mahal ka niya. Ipaparamdam niya ito sa’yo sa simpleng paraan—sa bawat oras na sinasabi niyang “kumusta ka?” o sa paraan ng pag-alala niya kung kumain ka na ba. Hindi niya ipaparamdam sa’yo na kailangan mong maghabol o mag-alala kung nasa puso ka niya, kasi siguradong-sigurado ka na mahalaga ka sa kanya.

Kung mahal ka talaga ng lalaki, hindi lang salita ang pinapangako niya. Gagawa siya ng paraan para ipakita na hindi lang siya narito para sa magaganda at magagaan na panahon. Kasama siya sa hirap, sa lungkot, sa pag-iyak mo sa mga gabing akala mo wala nang pag-asa. Pipilitin niyang gawing magaan ang bigat na dala mo at gagawin niya ang lahat para mapangiti ka kahit sa pinakamadilim na araw mo.

Kung mahal ka talaga ng lalaki, hindi mo kailangang baguhin kung sino ka. Tanggap ka niya—sa flaws, sa insecurities, at kahit sa mga araw na hindi mo mahal ang sarili mo. Mahal ka niya hindi dahil perpekto ka, kundi dahil ikaw iyon. Mahal ka niya dahil nakita niya ang halaga mo kahit hindi mo pa ito nakikita sa sarili mo.

Kaya huwag kang matakot magmahal, pero piliin mong mahalin ang taong hindi mo kailangang tanungin o pilitin. Kasi kung mahal ka talaga ng lalaki, ipaparamdam niya iyon sa’yo nang buong-buo, hindi lang sa salita, kundi sa aksyon, pang-unawa, at pagmamahal na walang kundisyon.

Ctto❤️

Re: " KUNG MAHAL KA TALAGA NG LALAKI "

Posted: Mon Mar 03, 2025 1:15 pm
by Tamibaby
Ang Isang relationship na lagi nag-aaway at Hindi magkasundo ay hindi na healthy yan,nagjan nalang kayo para sa anak nyo Pero Hindi nyona na talaga mahal ang isat isa at wala na kayo connection sa isat isa.
ang Isang relationship na hindi na healthy at Hindi na masaya ay ang ibigsabihin ay hindi talaga kayo tinaghana para sa isat isa.
Lahat ng tao my nakalaan at nakataghana kaya kayo nag aaway at Hindi magkasundo sa maliit na bagay kasi hindi talaga kuyo tinaghana sa isat isa kahit my anak na kayo dalawa.

Re: " KUNG MAHAL KA TALAGA NG LALAKI "

Posted: Fri Sep 12, 2025 3:35 pm
by Diablosx8
possible yan napunta ka sa maling lalaki

Re: " KUNG MAHAL KA TALAGA NG LALAKI "

Posted: Thu Oct 30, 2025 8:33 pm
by Tamibaby
malalaman mo agad agad sa isang tao Kong mahal ka niya kapag dumating yong time na may big problema ka din tutulongan ka Niya at Hindi ka iiwan sa kabila ng paghihirap mo nag sstay parin siya sayo kahit walang wala ka.
Kahit walang pera wala lahat at kahit Hindi ka 'ka mahal mahal nagjan parin siya nag sacrifice sayo' its means mahal ka.






Be careful pagdating sa love Maraming tao na love kalang dahil sa may pera ka.
Love kalang dahil Kailangan ka.
At Nag sstay lng siya sayo dahil may nabibigay Kang pera.
Maraming nag sstay sa isang relationship dahil sa pera Pero Kong wala kana pera at wala kana mabibigay sa kanya wala kanarin kwinta at wala nadin siya pakialam sayo. End the end magiging kawawa ka pagdanda mo.!!

Re: " KUNG MAHAL KA TALAGA NG LALAKI "

Posted: Sat Nov 01, 2025 12:42 am
by Tatami
Ang hirap talaga mag hanap ng lalaki hindi sinungaling,mature mag isip at loyal.
Basta MaHirap maghanap ng lalaking matino.

Re: " KUNG MAHAL KA TALAGA NG LALAKI "

Posted: Mon Nov 03, 2025 3:23 pm
by Kharnall
Tatami wrote:
Sat Nov 01, 2025 12:42 am
Ang hirap talaga mag hanap ng lalaki hindi sinungaling,mature mag isip at loyal.
Basta MaHirap maghanap ng lalaking matino.
The good ones are already nailed to the Cross